#April9 #ArawngKagitingan #WWII #BataanDay #Bayani #Pilipinas





Isang surpresang pag-atake ang ginawa ng mga Hapones laban sa ating bayan sa bahaging Luzon ng Pilipinas.  Ika-22 ng Disyembre 1941, dumating ang mga 57,000 hukbong Hapones sa pamumuno ni Lt. General Masaru Homma  sa gitnang Luzon. Ang mga ito ay patuloy na naglakbay hangang sa hilagang ng Maynila kung saan nagdulot ng pag-apoy at pagsabog dahil sa biglaang pag-atake noong ika 31 ng Disyembre. Libu-libong Pilipino ang namatay at sugatan habang kasalukuyang nagdiriwang ng bagong taon. 


Ang mga  Hapones ay nakipagtagpo laban sa mga American-FIlipino Fighters sa Bundok ng Natib sa Abucay, Bataan noong ika-10 ng Enero. Ang nasabing tanggulan ay pinamumunuan ni General Douglas MacArthur. Napilitan ang mga itong lumipat sa Bundok ng Samat sa Pilar, Bataan at magbuo ng karagdagang tanggulan. Nang malaman ito ng pamunuan ng bansang Hapon agad nitong pinadalan ang grupo ni Homma ng karagdagang sandata at nag-utos na pahirapan ang mga naturang tagapagtangol ng ating bayan. 
Marso,1942 ng makatanggap si Gen. MacArthur ng utos upang tumungo sa bansang Australia nagbitaw ito ng isang pangungsap na “I shall return”. Si Gen. Wainwright ang pumalit sa kanyang posisyon. 

Naging laganap ang malnutrisyon and iba’t ibang sakit sa mga Amrikano at Pilipinong gutom at walang masilungan. Hanggang sa ika 3 ng Abril ay pinalibutan ng mga Hapones ang Bundok ng Samat at naging bilanggo ang karamihan ng nanatili dito. 

Ika-9 ng Abril,1942 simulang isinuko ni Major General Edward King ang lahat ng pwersa sa Bataan Penisula. Libu-libo ang mga nabilango at ang ibang kaanib ay kumalat sa iba’t ibang lugar ng lalawigan. Ito rin mismo ang araw na hindi makapaniwala ang maraming kaanib sa mga narinig at mas piniling lumaban. 
Ang Isla ng Corrigedor sa Mariveles ang ginamit na daan palabas. May 76,000 na bilanggo ang nagkasakit, sugatan at halos mamatay sa gutom ang tinipon ng mga mga Hapones. Ngunit ang mga dumadating na pagkain at kagamitan ay sapat lamang sa mga kalaban kaya’t pinilit ang mga bilango na maglakad sa baku-bakong daan na may layong humigit sa isang daang kilometro tungong campo, Camp O’Donnel at pahilaga. 

Dito nagsimula ang  Death March kung saan literal na nauubos ang mga bilanggo dahit sa hirap, panghihina, gutom at sakit habang naglalakbay. Ipinaranas din ng mga Hapon ang kalupitan gawa ng pagtulak, pagbabayonete at iba pang uri ng pananakit. Halos 22,000 na miyembro ang hindi nakaabot sa paroroonan. Ang mga natira ay halos mamatay dulot ng mga malubang sakit at matinding gutom. Makalipas ang dalawang buwan may 21,000 miyembro ang namatay sa kamay ng mga Hapones. Sinasabing ang Death March ang isa sa pinakamalupit na naganap noong WWII at dito rin mismo makikita ang mga tunay na bayani na pinilit lumban para sa ating kalayaan. 



reference:
http://www.bataancvl29.org/History.htm
https://en.wikipedia.org/wiki/Bataan